Thursday, October 26, 2017

Pagkain Nuon, Ngayon at Sa Hinaharap

   Ang pagkaing Pilipino ay salamin ng kanyang kanyang kasaysayan at heograpiya. Ang katutubong pagkaing Pilipino ay naimpluwensiyahan ng kultura ng mga taong kanyang nakasalamuha. Ang uri ng pagkaing Pilipino ay bunga rin ng tubig na nakapaligid sa bansa at sa matatabang lupain ng bansa. Ang bakas ng halos 400 taong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas ay makikita at malalasahan sa napakaraming pang-araw-araw o pampiyestang pagkaing Pilipino.

   Ang paggisa ng bawang, sibuyas, at kamatis ay natutunan ng mga Pilipino sa Kastila. Ang paghanda at pagluto ng mga pampiging na pagkain tulad ng relyeno, paella, embutido, at kaldereta ay nakuha rin sa mga Kastila. Ang impluwensiya ng Intsik ay makikita sa iba’t ibang pansit tulad ng bihon, canton, miki, sotanghon, lomi, mami, ay miswa. Ang iba pang pagkaing nakuha ng mga Pilipino sa Intsik ay ang hopya, lumpya, ay syopaw. Makikita ang impluwensiya ng Indonesia, Malaysia, at Thailand sa mga pagkaing linuto sa gata na may  sili, at sa maraming mga minatamis. Mga halimbawa ay biko at suman na gawa sa malagkit na bigas, linuto sa gata at asukal, at binalot sa dahon ng saging.  Ang bibingka, puto, at kutsinta, naman ay galing sa harinang bigas. Sa mga Amerikano nakuha ng mga Pilipino ang bistik.  Ito ay karneng hiniwa ng manipis. Pagkatapos na maibabad sa toyo at kalamansi, ito ay piniprito at sinasahugan ng piniritung sibuyas. Sa mga Italyano ay nakuha ng Pilipino ang pagluto ng ispageti; sa Hapon ay ang pagluto ng mga pagkaing galing sa dagat.

   Sapaka’t napapaligiran ang Pilipinas ng tubig, ang pagkaing Pilipino ay binubuo ng isda at mga sariwang-sariwang pagkaing galing sa ilog o dagat. Hipon, alimango at alimasag, talaba, suso ay karaniwang pagkaing Pilipino na sinasamahan ng iba’t ibang sawsawan. Ang mga pagkaing dagat palibhasa’y sariwa ay linuluto lamang sa suka  (kilawin) o kung hindi ay iniihaw na kung minsan ay may kasamang kamatis at sibuyas na binalot sa dahon ng saging. Dahil din sa matatabang lupain sa bansa, maraning gulay sa Pilipinas. Maraming paraan ng pagluluto ang ginagawa ng mga Pilipino sa gulay, tulad ng dinendeng, ginataang gulay, ginisang gulay, at pansahog sa karne at isda.




   Anumang lutuing pagkain ang natutunan ng Pilipino sa ibang bansa ay kanilang naiakma sa kanilang katutubong panlasa at sa bandang huli ang mga ito ay natatawag na pagkaing Pilipino.

Tuesday, October 24, 2017

Longganisa -Paraan at Sangkap

1 kilo ginigling na baboy (huwag haluan ng taba)... 1/2 kilo taba ng baboy hiniwa nang pakuwadrado... 1/4 kutsarita salistre... 5 ulo bawang na pinitpit... 3 kutsara asukal na pula... 1/4 tasa toyo... 1/3 tasa suka... 1 1/2 kutsarita asin... 2 kutsarita paprika... 1 kutsarita pamintang buo... 1 kutsarita siling pula tinadtad... 1 metro sausage casing/pambalot ng longganisa/bituka ng baboy PARAAN NG PAGLUTO->> 1. Sa isang malaking mangkok, paghaluin ang lahat ng sangkap(maliban sa sausage casing)... 2. Palipasin ng isa hanggang dalawang oras... 3. Pagkaraang ibabad ang karne, talian ng sinulid na pang-luto ang isang dulo ng sausage casing at dahan-dahang ipasok ang karne... 4. Hatiin sa nais na laki ang longganisa sa pamamagitan ng pagtali ng mahigpit sa gitna ng longganisa... 5. Itabi sa refrigerator ang longganisa at palipasin ang dalawang araw... 6. Pagkaraan ng dalawang araw, maaari ng lutuin ang longganisa... 7. Ilagay ito sa isang kawali... 8. Buhusan ng 1/2 o 1 tasa ng tubig ang longganisa o hanggang malubog ang longganisa... 9. Pakuluan sa mahinang apoy hanggang maubos ang tubig... 10. Hayaang maluto sa sariling mantika ang longganisa

Monday, October 23, 2017

Ilan lamang sa mga dapat ikonsidera sa pag pili ng magiging misis

Mabuting asal - nararapat lamang na kung pipili ka ng magiging misis, obserbahan mong mabuti kung mayroon ba siyang mabuting asal. Makatao ba siya? Mapagmahal sa magulang? Makipamilya? Dapat mong diskubrehin ang mga bagay na ito maaga pa lang sa inyong relasyon. Isipin mo na lang kung wala siyang pagpapahalaga sa pamilya, paano niya pahahalagahan ang pamilyang inyong bubuuin? Parehas ba kayo ng interes? - Bagama’t hindi naman lahat ng mag-partner ay parehas ng interes, mas mabuti pa rin na ang hahanapin mong maging misis ay kapareho mo nito. Kapag parehas kayo ng mga bagay na ikinasisiya, tiyak na mas madali lang sa inyo ang mag-bonding at magkaroon ng maayos na komunikasyon. Mayroon kayong pagkakaisa ng isip at puso. Ngunit kung talagang mahal mo naman ang taong ito pero hindi kayo parehas ng interes, maaari mo naman matutunan ang mga bagay na nakapagpapasaya sa kanya. Halimbawa, kung mahilig siyang manood ng telenovela, ikaw naman ay hindi, bakit hindi mo siya samahan minsan manood nito kahit boring sa ’yo? Ito ay para lang makapasok ka sa kanyang mundo.